^

Metro

Makiki-party ngayong Pasko, aarestuhin - Sinas

Pilipino Star Ngayon
Makiki-party ngayong Pasko, aarestuhin - Sinas
“Yes, bawal... bawal ang party...” pahayag ni PNP chief General Debold Sinas nang tanungin ng mga mediamen kung mag-uutos siya nang pag-aresto sa mga partygoers.
Freeman/Facebook

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si PNP chief General Debold Sinas sa publiko na aarestuhin ang sinumang dadalo sa mga party ngayong Christmas season.

“Yes, bawal... bawal ang party...” pahayag ni Sinas nang tanungin ng mga mediamen kung mag-uutos siya nang pag-aresto sa mga partygoers.

Idinagdag pa nito na malinaw ang inis­’yung direktiba ng IATF na wala dapat na party.

Nauna nang ini- hayag ng PNP chief na ang Christmas party sa lahat ng unit ng police force ay ipinag­babawal ngayong holiday season dahil na rin sa pandemya ng COVID-19.

Kung ang mahuhu-ling nagpaparty ay mahaharap sa pag-aresto, sinabi naman ni Sinas na nagbigay na siya ng direktiba sa kanyang mga tauhan na ‘wag hulihin ang mga indibiduwal na lumalabag sa tamang pagsusuot ng face masks at shields.

“Nagbigay po ko ng instructions na ‘di na po aarestuhin, kausapin na lang... kung walang mask, bigyan ng mask, kung walang shield, bigyan ng shield para po maimpose natin,” dagdag pa ni Sinas .

vuukle comment

DEBOLD SINAS

PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with