^

Metro

Murang tinapay alok ng Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Murang tinapay alok ng Navotas
Ang paniniyak ay ginawa ni Tiangco kasabay ng pagbibigay nila ng tig -10 sako ng harina sa lahat ng panaderya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na magbibigay ng murang tinapay ang 32 panaderya sa  lungsod kasabay ng dinaranas na krisis sa COVID-19.

Ang paniniyak ay ginawa ni Tiangco kasabay ng pagbibigay nila ng tig -10 sako ng harina sa lahat ng panaderya.

Nabatid na ipinamahagi ng lungsod ang P1 million halaga ng harina na donasyon ng San Miguel Corporation para matulungan ang mga panaderya at makabili ang mga Navoteño ng tinapay sa mas mababang presyo.

Ani Tiangco, nakapaghatid na ng 320 sako sa mga rehistradong panaderya na magbababa ng presyo ng kanilang mga produkto. Imomonitor ng Local Price Coordinating Council ang mga establisimiyentong ito kung sumunod sila sa napag-usapan. Dadagdagan ang stock nila pag napatunayang nagbaba sila ng presyo.

“Ang pandesal, monay, boling at loaf bread ay mabibili ng P1.00-P5.00 mababa kaysa sa orihinal nitong presyo. Hangad namin na makatulong ito sa mga Navoteño, lalo na iyong higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine,” ani Tiangco.

Samantala, nagsimula na kahapon mamigay ang Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute ng mga tinapay sa 18 barangay ng lungsod. Tatagal ito hanggang Mayo 29.

vuukle comment

TOBY TIANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with