^

Metro

2 timbog sa hoarding at overpricing ng alcohol

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 timbog sa hoarding at overpricing ng alcohol
Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, ang mga nasakote ay sangkot sa pagsasamantala sa outbreak ng COVID 19 sa pag-iimbak para ibenta sa mas mahal na presyo ang mga alcohol.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office-Regio­nal Special Opertions Group  (NCRPO-RSOG) at Valenzuela City Police Station  ang isang magka-live-in partner sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa iligal na pagbebenta ng alcohol sa Valenzuela City kamakalawa.
Dakong alas- 2:40 ng hapon nitong Biyernes (Marso 27, 2020) nang madakip  ang mga suspek na sina Ricky Deliva Dacillo, 44 anyos, checker; at kinakasamang si Leonila Chua, 40, secretary, sa kanilang bahay sa no. 7 Melchor St., Pacheco Village, Balubarang, Valenzuela.

Nasamsam ang 179 container na naglalaman ng tig-20 litro ng alcohol; 168 gallon na may lamang tig-3.6 liters; 63 gallon na may tig-isang litro; 4,000 plastic bottles na tig-25 ml. ng alcohol; at 3 drum na may tig-200 litro ng Isopropyl alcohol na may kabuuang P655, 324.50 halaga.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa The Price Act at Food and Drugs Admnistration Act sa  Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, ang mga nasakote ay sangkot sa   pagsasamantala sa outbreak ng COVID 19 sa pag-iimbak para ibenta sa mas mahal na presyo ang mga alcohol.

Isinagawa ang entrapment operation matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagsasamantala ng mga suspek sa outbreak ng COVID 19 kung saan ay nag-iimbak ang mga ito ng alcohol na ibinebenta sa  mas mataas na presyo.

Nabatid sa beripikasyon ng pulisya na walang business permit para magtinda ng alcohol ang mga suspek.

vuukle comment

NCPRO

RONALDO GENARO YLAGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with