Kapwa ginagamot sa Perpetual Help Dalta Medical Center ang mag-amang biktima na sina Marlou Baisa, 53, Grab driver at anak na si Justine, 24, ng Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.
Grab driver, anak binaril, ng nakagitgitang motorista
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang Grab driver  habang sugatan din  ang anak nitong lalaki matapos silang barilin ng naka-argumento nilang motorista dahil sa gitgitan sa  trapiko, kamakalawa sa Las Piñas City.

Kapwa ginagamot sa Perpetual Help Dalta Medical Center ang mag-amang biktima na sina Marlou Baisa, 53, Grab driver at anak na si Justine, 24, ng  Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang suspect na kinilalang si Akmad Abubakar, 38, ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa P/Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police na naganap ang insidente alas-3:45 ng hapon    sa kahabaan ng Doña Manuela Avenue, Doña Manuela Subdivision, Brgy. Pamplona 3,

Ayon sa inisyal na ulat nagkagitgitan ang Mitsubishi Adventure van  na minamaneho ni Justine at ang tricycle ng suspect na gamit nito sa pagdedeliber ng tubig.

Sa kasagsagan ng argumento ay kumuha ng bote sa loob ng kanilang sasakyan ang mag-ama, gayunman agad na  bumunot ng baril ang suspect at pinagbabaril ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Kaagad namang dinala ng rescue ang mag-amang biktima sa nabanggit na ospital at kasalukuyang inoob­serbahan ang matandang Baisa dahil sa kritikal na kalagayan nito.

GRAB DRIVER MARLOU BAISA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with