^

Metro

Kelot nasagi ng trak, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi makaraang mabagok ang ulo ng isang lalaki nang masagi siya ng isang rumaragasang trak sa gilid ng C3 Road sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rodolfo Puzon, 59 ng  Bldg. 30, Unit 514, Paradise High, Balut, Tondo, Maynila. Nadakip naman ng mga awtoridad ang driver ng trak  na si Gilbert Largo, 44, nakatira sa Bocaue, Bulacan.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi sa C3 Road sa may Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sa naturang lungsod. Naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima nang bigla siyang masagi ng isang Isuzu truck (RFY-387) na minamaneho ni Largo.

Dito bumagsak sa kalsada ang biktima at nabagok ang ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkasawi. Nahabol naman ng mga awtoridad ang trak at nadakip nina traffic enforcer Ricardo Ramos at Marlon Sulit ang tsuper na si Largo.

Isinugod naman sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit idineklara siyang wala nang buhay.  Nahaharap naman ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek na si Lagro.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with