^

Metro

Koreano na nagturok ng droga sa Pinay, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Koreano na nagturok  ng droga sa Pinay, timbog

MANILA, Philippines — Timbog ang isang Korean national nang mahulihan ito ng droga at nadiskubre ring tinurukan nito ng droga ang kasamang  Pinay, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ang suspect na si Seoukwon Choi, 32, nanunuluyan sa Positano Azure Condominium, Bicutan, Taguig City.

Kinilala naman ang biktima na si Jennifer Bravoy Guinalang, 31, nakatira sa Alpha Grandview Condominium, Malate, Maynila, na nilalapatan ng lunas  sa San Juan De Dios Hospital matapos itong turukan ng droga sa katawan kung kaya ito naging wild at nagwala.

Ayon sa ulat, alas-5:45 kahapon ng umaga nang madakip ang suspect ng mga kagawad ng Pasay City Police sa isang ospital sa Roxas Boulevard Service Road ng nabanggit na siyudad.

Bago ang insidente, nag-check-in ang suspect at kasama nito ang biktimang Pinay sa isang hotel sa Pasay. Doon umano tinurukan ng dayuhan ng droga ang Pinay kaya ito nagtatakbong walang saplot  na nakatalukbong lang ng kumot.

Namataan ito ng isang taxi driver  at tinulungang dalhin sa pagamutan at nang mahimasmasan ang babae, sinasabing may itinurok sa kanyang katawan ang suspect.

Kasunod nito humabol ang dayuhan sa hospital pero tumanggi ito na  ipa-inspection sa security guard ang kanyang dalang bag dahilan upang tumawag ito ng pulis.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at nadiskubre ang dala nitong shabu at injection sa loob ng kanyang sasakyan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with