^

Metro

Mga bagong lansangan bubuksan na

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mga bagong lansangan bubuksan na
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay bunsod ng ‘Build Build Build’ project ng gobyerno bilang long term solution para sa traffic reduction ng Metro Manila kung saan nalalapit nang buksan ang Laguna Lake Highway bilang magi­ging alternatibong ruta ng mga motoristang matratrapik sa EDSA at C-5 Road kapag magtutungo sila ng Eastern part tulad ng papuntang Taytay, Antipolo at Binangonan Rizal.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bahagyang makakaranas na rin ng ginhawa sa matinding trapik ang Metro Manila dahil sa nalalapit na pagbubukas ng mga bagong lansangan sa Dis­yembre.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay bunsod ng ‘Build Build Build’ project ng gobyerno bilang long term solution para sa traffic reduction ng Metro Manila kung saan nalalapit nang buksan ang Laguna Lake Highway bilang magi­ging alternatibong ruta ng mga motoristang matratrapik sa EDSA at C-5 Road kapag magtutungo sila ng Eastern part tulad ng papuntang Taytay, Antipolo at Binangonan Rizal.  Naka-iskedyul umano itong buksan sa nalalapit na buwan ng Kapaskuhan kung saan inaasahang tataas ang volume ng behikulo sa EDSA at C-5 Road.

Sa buwan din ng Disyembre ay posibleng buksan na rin sa mga motorista ang Harbor link  Smart connect ng C3.

Gayundin, ay posibleng maging passable na rin sa mga motorista ang Otis Bridge sa Maynila at anumang oras ay bubuksan na rin ang completion ng C5 Extension Coastal Road, Bacoor, Cavite.

Kung kaya’t sabi ni Garcia, makakaginhawa na rin nang bahagya ang Metro Manila sa masikip na daloy ng trapiko at malaki aniya itong tulong sa MMDA.

vuukle comment

JOJO GARCIA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with