^

Metro

Vice mayor ng Pateros, inaresto

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor ng Pateros, inaresto
Nasa custody ngayon ng Pateros Police si Pateros Vice Mayor Gerald German, 39, ng E. Hermosa St., Brgy. San Roque ng na­tu­rang bayan na nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act 9262 (Anti Violence Against Women and their Children Act).
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Inaresto ang bise-alkalde ng Pateros matapos itong ireklamo ng kanyang misis  dahil sa pang-aabuso.

Nasa custody ngayon ng Pateros Police si Pateros Vice Mayor Gerald German, 39, ng  E. Hermosa St.,  Brgy. San Roque ng na­tu­rang bayan na nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act  9262 (Anti Violence Against Women and their Children Act).

Inireklamo ito ng kanyang misis na si Mary Antonnette German, ‘Maan’, 38, negos­yante na nagtamo ng mga galos  at pasa sa mukha at braso.

Sa report na natanggap ng director ng Southern Police District (SPD), na si Sr. Supt. Eliseo Cruz, naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa kamakalawa.

Nabatid na 10 taon ng mag-asawa ang dalawa at kamakalawa ay nagkaroon ng ma­i­nitang argumento ang mga ito.

Sa kainitan ng pag-aaway, dito na pinagbuhatan ng kamay ng naturang bise alkalde ang kanyang misis. Napag-alaman pa, na nitong nakaraang Agosto 30, 2018 ay pinagbuhatan na rin ng kamay ng bise alkalde ang ginang.

Hindi na umano nakatiis ang misis kaya nagharap na ito ng reklamo laban sa nabanggit na vice  mayor, dahilan upang arestuhin ito ng mga kagawad ng Pateros Police.

vuukle comment

GERALD GERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with