^

Metro

Magkapatid na NPA na wanted sa murder, timbog sa QC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid na NPA na wanted  sa murder, timbog sa QC
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga naares­tong suspek na sina Dennis Noval, 22, at Marvin Noval, 20, tubong Ormoc City.

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga pulis sa Quezon City ang magkapatid na lalaki na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) at wanted sa pagpatay sa kanilang tiyuhin sa Ormoc City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga naares­tong suspek na sina Dennis Noval, 22, at Marvin Noval, 20, tubong Ormoc City.

Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng QCPD-Novaliches Police Station 4, at Ormoc City Police Station, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Girlie Borrel-Yu, ng Ormoc City Regional Trial Court Branch 35 dahil sa kasong murder.

Una umanong naaresto si Dennis dakong alas-6:15 ng gabi kamakalawa sa Bagbag Novaliches Public Market habang dakong alas-6:30 ng gabi nang maaresto si Marvin sa Dumalay St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Ayon kay Esquivel, ang mag­kapatid ay miyembro ng NPA “Abe” Squad Sub Committee  “LE-VOX” na nag-o-operate sa Leyte.

Sila rin ang itinuturong suspek sa pagpatay sa kanilang    sariling tiyuhin noong Enero 2018 matapos pagbintangan itong impormante ng pamahalaan.

Nagtago ang mga suspek sa Novaliches kung saan sila naaresto ng mga pulis.

Sa natanggap na intel report ng pulisya, natukoy na ang dalawa ay kasama rin sa naganap na engkwentro sa pagitan ng NPA at Philippine Army 78th Infantry Battalion sa Albuera, Leyte, kamakailan.

Wala namang inirekomen­dang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with