^

Metro

Lolo binoga sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lolo nang pagbabarilin ng riding in tandem sa tapat ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Vicente Barlentangco, 79, opisyal ng homeowners association na residente ng Block 18, Lot 12, Purok 15, Unit 5, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-7:00 ng gabi sa tapat ng tahanan ng matanda.

Kuwento ng kaniyang asawa na si Sancha, lumabas  ng siya ng bahay   para bumili ng kanin.

Pagbalik nito ay tumambad na ang duguang katawan ng biktima sa harap mismo ng kanilang bahay.

Hinala ni Sancha, away sa lupa ang motibo sa pamamaslang ng mga suspek sa kanyang mister. Sinasabing mayroon umanong umaangkin ng kanilang lupa sa likod ng kanilang bahay.

Aniya, noong nakaraang linggo, pinagharap pa sa barangay ang biktima at posibleng ‘mastermind’ sa krimen na hindi muna tinukoy ang pangalan matapos silang magtalo sa nasabing lupa. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanyang ulo na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ng mga tauhan ng QCPD para makilala ang dalawang salarin at maaresto para mapanagot sa kaso.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with