PAGCOR: Walang iregularidad sa Lucky Spin jackpot claims
MANILA, Philippines — Walang nakita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na manipulasyon, pandaraya o anumang iregularidad sa mga pinagtatalunang jackpot claims sa Lucky Spin feature ng BingoPlus at ArenaPlus.
Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ng PAGCOR na tugma ang mga rekord ng sistema sa aktuwal na resulta ng laro at wala sa mga nagreklamo ang tunay na nanalo ng jackpot gaya ng kanilang inaangkin.
Sa isang media briefing, ipinaliwanag ng gaming operator ang proseso ng beripikasyon ng mga premyo, payout procedures at mekanismo sa pagresolba ng mga reklamo upang matiyak ang patas at transparent na operasyon.
Ayon kay BingoPlus Head of Brand Communications Erin Tagudin, prayoridad nilang tiyakin na maayos na nabeberipika at naibibigay ang mga panalo sa mga kuwalipikadong manlalaro habang may malinaw na daan ang mga customer upang maiparating ang kanilang mga concern.
Binanggit naman ni legal counsel Atty. Juan Fermin Reyos Del Sol na dalawa sa mga reklamong isinumite sa PAGCOR ay mula pa noong 2025 kaya mahalagang suriin ang bawat kaso batay sa mga rekord, transaksyon at kasaysayan ng reklamo.
Sinabi ng kumpanya na ang pagberipika ng panalo ay nakabatay sa in-app winning notifications, individual spin records at mga rekord sa back-end system. Anila, patuloy rin nilang ipinatutupad ang mga safeguard para sa mga manlalaro tulad ng identity verification, self-exclusion tools, 24/7 customer support at responsableng gaming programs.
Muling iginiit ng BingoPlus at ArenaPlus ang kanilang pakikipagtulungan sa PAGCOR at pangakong panatilihin ang patas, ligtas at sumusunod sa regulasyon na gaming operations.
- Latest

















