^

Metro

Bagong curfew ordinance sa Navotas, inilatag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong curfew ordinance sa Navotas, inilatag

Nakapaloob umano sa bagong curfew ordinance na exempted sa curfew ang mga batang may kasamang magulang o tagapangalaga kung ang mga bata ay hindi masasangkot sa iligal na gawain, papayagan din ang mga kabataan na dumalo sa “Simbang Gabi” o anumang aktibidad na may kinalaman sa paaralan o simbahan, at mga political rallies na bahagi ng kanilang mga karapatan. File

MANILA, Philippines — Makaraang ipasuspinde ng Korte Suprema ang curfew sa Navotas, nakatakdang magpasa ng bagong ordinansa ang Sangguniang Panglungsod upang makasabay sa ibang siyudad sa pagtiyak na ligtas sa panganib ang mga kabataan at paglaban kontra kriminalidad.

Matatandaan na idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang Ordinansa Blg. 2002-13 ng Navotas City makaraan ang petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, tiniyak sa kanya ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na ang bagong curfew ordinance na ipapasa ay magtatakda ng pinakamalayang pamamaraan para maiiwas sa kriminalidad at karahasan ang mga paslit at kabataan habang susunod sa tagubilin ng korte para hindi masaklawan ang karapatan ng mga bata.

Nakapaloob umano sa bagong curfew ordinance na exempted sa curfew ang mga batang may kasamang magulang o tagapangalaga kung ang mga bata ay hindi masasangkot sa iligal na gawain, papayagan din ang mga kabataan na dumalo sa “Simbang Gabi” o anumang aktibidad na may kinalaman sa paaralan o simbahan, at mga political rallies na bahagi ng kanilang mga karapatan.

Papatawan rin ng angkop na parusa at multa ang mga magulang o guardian na mapapatunayan na nagpapabaya sa kanilang mga anak o alaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with