^

Metro

Turistang Chinese, tumalon mula 9th floor ng gusali, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang Chinese tourist ang pinaniniwalaang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-9  na palapag ng kanyang tinutuluyang gusali sa Brgy. Wack-wack, Mandaluyong City .

Nagkabali-bali ang mga buto at na-dislocate pa ang magkabilang tuhod ng biktimang nakilalang si Ge Zhang, 37,   pansamantalang nanunuluyan sa 9th Floor ng Tower A ng BSA Twin Tower na matatagpuan sa Bank Driver, sa Brgy. Wack-Wack.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ng Mandaluyong City Police, na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, na dakong alas-5:35 ng madaling araw kamakalawa nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima.

Nauna rito, kamakailan ay umupa sa naturang gusali ang biktima upang doon manuluyan habang nananatili sa bansa.

Nakatakda na umanong mag-check out ang biktima kaya’t pinuntahan ito sa kanyang kuwarto ng room attendant na si Josefino Martinez, ngunit hindi ito matagpuan.

Nagulat na lamang ang mga empleyado ng gusali nang madiskubre ng Gondola operator na si Jeffrey Runas ang bangkay ng biktima sa garden basement ng gusali.

Naniniwala ang pulisya na tumalon ang biktima mula sa bintana ng ikasiyam na palapag ng gusali na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan ngunit inaalam pa nila ang posibleng motibo nito sa pagpapatiwakal.

Hindi pa rin naman umano iniaalis ng pulisya ang posibilidad na may foul play sa insidente kaya’t patuloy pa rin nila itong iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with