^

Metro

2 drug suspect todas sa mga parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki na mga hinihinalang drug pusher makaraang maki-pagbarilan sa mga pulis nang makorner sa dragnet operation habang sakay ng isang kotse, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang isa sa mga napatay sa pamamagitan ng driver’s license nito ay si Michael Cris Santos, 36, ng Blk 2 Lt 3 Premier Hills, Brgy. 168 Deparo, Caloocan; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napaslang rin niyang kasamahan.

Sa ulat ng Caloocan Police-North Extension Office, dakong alas-2:30 ng mada-ling araw nang maganap ang engkuwentro sa kahabaan ng Barugo Rd, Phase 4 Package 2 Bgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Nabatid na nagsasaga-wa ng checkpoint ang mga tauhan ng Police Community Precinct 3 nang lagpasan sila ng pinarang pulang Toyota Wigo na walang plaka.  Isa sa mga salarin ang isang beses na nagpaputok sa mga pulis na masuwerteng walang tinamaan dahilan para magkaroon ng hot pursuit.

Niradyuhan ng mga pulis ang ibang kasamahan na nagkasa ng dragnet operation.  Muli umanong nagpa-putok ang mga suspek sa mga nakaharang na mga pulis na gumanti naman at nagresulta sa pagkaka­pas­lang sa mga suspek.

Narekober sa mga napas­lang ang isang kalibre .45 na baril na may isa pang bala, 13 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at P5,070 cash.

Nakuha rin sa lugar ang limang napaputok na cartridges ng kalibre .45 baril at ang Toyota Wigo na kotse na biniberepika na sa Land Transportation Office (LTO).

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with