^

Metro

10 timbog sa human trafficking, illegal recruitment

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung katao na  sangkot sa human trafficking at illegal recruitment sa dalawang magkahiwalay na pagsa­lakay sa Taguig at Pasay City.

Unang nadakip ang mga suspek na sina Danica Buca­ling, Mary Ann Buan at Jayvy Badeo sa Taguig City, habang ang dalawang biktima naman na nasagip ay inilagay na sa kalinga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil kapwa menor de edad.

Ayon kay Atty. Janet Francisco, ang pinuno ng NBI Anti-Human Trafficking Division  ang mga biktima ay anak at pamangkin ng isa sa suspek na ginagamit niya sa operasyon sa cybersex.

Ang mga biktima nasa edad  15 at 17-anyos ay ginagamit sa online prostitution kapalit ng $50 hanggang $60 kada 30 minutong online show na ang mga viewer o kostumer ay mga Amerikano.

Ginawa ng NBI ang ope­ra­tion nang makatanggap ng impormasyon mula sa Immigrations and Customs Enforcement ng US Homeland Security Investigations.

Ipaghaharap ng kasong pag­­labag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children  Against Abuse,  Exploitation and Discrimination Act at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2013 ang tatlong salarin.

Samantala, sa  pagsalakay­ naman na ginawa noong Marso­ 22 sa Pasay City, na­aresto naman sina Marie Alvarez, Mercy Galedo, Crisanto Diroy, Joel Gallezo, Kristine Fernandez, Clau­dia Arnente at Ramona Cas­tro matapos ireklamo nang mabigo na mapaalis ang kanilang mga ni-recruit aplikante papuntang Japan.

Nalaman sa mga biktima na may dalawang taon na silang naghihintay sa pangako ng mga suspek na pawang empleyado ng Kairus Human Resources pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila napapaalis.

Nahaharap naman sa ka­song paglabag sa R.A. 8042 (Syndicated and Large Scale Ille­gal Recruitment) at Estafa­, ang pitong naarestong suspek­. 

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with