Gas leak sa QC, binubusisi!
CEBU, Philippines - Muling isinailalim sa masusing pagsisiyasat kahapon ang gas fuel station sa Timog Avenue, Quezon City matapos ang pagtagas ng gas sa lugar.
Una nang nabulabog ang mga residente nang sumingaw ang nakakasulasok na amoy mula sa Clean Fuel station, kamakalawa ng gabi.
Bunsod nito, agad na hinarangan ang palibot ng establisimento at pinigilang makalapit ang mga residente sa loob ng 300 meters-radius mula sa gas station.
Nanawagan ang QC government sa publiko na huwag munang gagamit ng cellphone sa loob ng naturang distansya para hindi mag- spark na magreresulta ng pagsabog at posibleng pagliyab na maaring magdulot ng sunog.
- Latest