^

Metro

Hummer sa hit-and-run ng 2 motorista, narekober

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Narekober na ng Que-zon City Police District (QCPD) sa bayan ng Sariaya sa  Quezon ang Hummer jeep na sangkot sa insi­dente ng hit-and-run na ikinasa­wi ng dalawang motorista noong nakaraang Linggo.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Elea­zar, ang Hummer ay  na­rekober dakong alas-4:40 kamakalawa ng hapon ng mga tropa ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) sa Sitio Manalo, Brgy. Lutucan Bata, Sariaya Quezon.

Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ng suspek na si Alvin San Pablo, 32, ang gagamiting ibidensya sa isasampang kaso laban dito bunga ng pagkakasang­kot sa insidente ng hit-and-run.

 Base sa impormasyon, ang sasakyan ay dinala ni San Pablo sa bahay ng kanyang business partner upang itago ang kinasasangkutan nitong insidente noong Feb. 10, 2017.

Matatandaang nagtago si San Pablo makaraang salpukin nito ang mga motoristang sina Felix Marvin Bose, 25, driver ng Suzuki Raider motorcycle (BD-57433); at Lowell Gonzalgo, 25, ang angkas ng una. Kapwa nasawi sa ospital ang dalawa.

Inamin ni San Pablo na nagawa niyang magtago dala na rin ng takot at kalituhan sa pangyayari. Siya ay ipinagharap ng DTEU ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple homicide  Ayon pa kay Elea­zar, sa kasalukuyan nasa pangangalaga na ng DTEU office sa Camp Crame ang nasabing sasakyan.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with