^

Metro

Hydraulic jack kumalas, bumagsak mekaniko lasog sa kinukumpuning trak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang isang mekaniko matapos itong aksidenteng madaganan ng truck na inaayos nito nang kumalas ang nakatukod na hydraulic jack sa Ma­labon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Paga­mutang Lungsod ng Malabon (PLM) sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ay nakilalang si Abigael Royo, 29-, residente ng Gabriel Compound, Governor Pascual Avenue, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang inaayos ng biktima ang six wheeler delivery truck (RJY-736) nang bigla na lamang kumalas ang hydraulic jack na gamit nito sa pantukod.

Naipit ng truck ang ulo ng biktima dahilan upang sagipin ito ng kanyang mga katrabaho at nang maialis ay agad na isinugod sa Polymedic Center ngunit agad ding inilipat sa PLM pero hindi na rin ito umabot ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo.

vuukle comment

ABIGAEL ROYO

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CATMON

GABRIEL COMPOUND

GOVERNOR PASCUAL AVENUE

MALABON CITY POLICE

POLYMEDIC CENTER

STATION INVESTIGATION DIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with