_ngayon
^

Traffic aide, itinumba ng tandem

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Utas ang isang traffic aide ng barangay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay si Alfredo Valle, 52, traffic personnel ng Brgy. 178, ng naturang lungsod.

Sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima dakong alas-6:30 ng gabi nang harangin ng isa ring motorsiklo sakay ang dalawang lalaki at agad na pagbabarilin ito.

Agad na tumakas ang mga salarin tungo sa direksyon ng Villa Imelda Street.

Ipinagtataka naman ng pulisya ang pagsusumite ng affidavit ng anak ng biktima na hindi na sila interesado na ituloy ang imbestigasyon sa krimen.

AGAD ALFREDO VALLE ANG BIKTIMA BRGY CALOOCAN CITY DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL GABI IPINAGTATAKA ISINUGOD VILLA IMELDA STREET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with