No. 9 most wanted sa droga, arestado
(Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nahulog  sa kamay ng pulisya ang pang-9 na most wanted sa  droga sa lungsod ng Pasay, kamakalawa.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si  Roberto Sales, alyas Bobby, 43, binata at residente ng Decena St.,  Brgy. 95 Zone 11 ng naturang lungsod.

 Base sa report  na natanggap ni Senior Supt. Joel Doria, OIC Pasay City Police,  bandang alas-2:00 ng hapon nang madakip ang suspek sa naturang lugar matapos itong inguso ng isang police asset sa mga pulis.

 Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu. Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso. (Lordeth Bonilla)

 

BRGY DECENA ST. JOEL DORIA LORDETH BONILLA NAHULOG NAKAKULONG NAKATAKDA NBSP PASAY CITY POLICE ROBERTO SALES SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with