Matinding trapik asahan na: Magallanes interchange muling isasara
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Asahang  mas matinding trapik ang mararanasan ng mga motoristang magtutungo at manggagaling sa Pasay City dahil sa nakaambang muling pagsa­sara ng isang bahagi ng Magallanes interchange sanhi nang isasagawang  road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni  Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, na lalagpas ng  isang linggo ang isasagawang road repair sa bahagi ng Magallanes Interchange na ang tulay ay umuugnay  sa EDSA sa bahagi ng   Makati  at Pasay City.?Nabatid na mayroon aniyang muling panukala ang DPWH na isara ang isang bahagi ng Magallanes Interchange   sa sampung araw matapos itong banggitin sa kanya ni DPWH Secretary Rogelio Singson noong nakaraang  Huwebes at sa tono aniya ng pahayag ng naturang kalihim ay minamadali ang naturang repair project.

Ayon pa sa MMDA, ina­alam pa ng DPWH na kung anong uri ng construction ang gagawin sa naturang tulay.

Nabatid, na unang  isinara ang Magallanes interchange sa bahagi ng sa South Luzon Expressway (SLEX) at Osmeña Highway. (Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS LORDETH BONILLA MAGALLANES MAGALLANES INTERCHANGE METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY NABATID PASAY CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with