^

Metro

Mister tinodas ng bayaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikialam sa pamilya ng iba, napatay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng bayaw nito dahil sa panghihimasok sa takbo ng kanyang tahanan, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa saksak sa katawan ang biktimang si Ramil Royo ng Road 10, Sitio Sto. Niño, Northbay Boulevard South sa  nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas Ompong, bayaw ng biktima, at residente rin sa na­banggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-6 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima. Nabatid na sumiklab ang pagtatalo nang sitahin ng suspek si Royo ukol sa ginagawang pagpapabaya umano sa kanyang pamilya dahil sa pagkagumon sa iligal na droga.

Nagkainitan ang magbayaw nang magalit si Royo sa pakikialam ng suspek sa kanyang pamilya. Nauna umanong tinangkang sugurin ng biktima si Ompong ngunit agad na nakapagbunot ng patalim saka sunud-sunod na undayan ito ng saksak.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga kaanak ngunit hindi na umabot ng buhay.

 

vuukle comment

DAHIL

NAVOTAS CITY

NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

OMPONG

RAMIL ROYO

ROYO

SITIO STO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with