^

Metro

Driver tinadtad ng bala, dedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 35-anyos na tricycle driver nang paulanan ng bala habang sugatan din ang kasamang misis nito sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay dakong alas-5 ng hapon sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Mohammad Karain alyas “Urak”, Islam na residente ng Vergara  st., Quiapo, Maynila dahil sa tinamong siyam na bala mula sa kalibre .45 pistola.

Ginagamot naman sa Ospital ng Sampaloc ang misis na si Norcaya Lawanta, 30 habang sa Philippine Orthopedic Hospital naman ang bystander na si Rudy Ray­mundo, 32 matapos na tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, ang pamamaril ay naganap dakong alas-11:00 ng umaga ng Sabado, sa Arlegui st., Quiapo, Maynila.

Ibinababa pa lang ng biktimang si Karain ang misis mula sa ipinapasadang tricycle upang kumain sa karin­derya nang sunod-sunod na putok ang umalingaw­ngaw.

Duguan si Karain dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sa puwet tinamaan si Lawanta  at sa paa si Raymundo.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na nakatakas. Blangko pa rin sa motibo ng pamamaril dahil wala umanong kaaway ang biktima.

Isinailalim na sa tradisyunal na paglilibing ng Muslim ang bangkay ni Karain.

 

KARAIN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

MOHAMMAD KARAIN

NORCAYA LAWANTA

PHILIPPINE ORTHOPEDIC HOSPITAL

RICHARD ESCARLAN

RUDY RAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with