2 pang biktima ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang naÂtagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon at sa Maynila kahapon.
Sa Quezon City, ayon kay PO3 Hermogenes Capili, walang nakuhang pagkakaÂkilanlan sa naÂtagpuang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib at may bakas ng pananakal.
Isinalarawan ito sa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’6’’, may kapayatan, naÂkasuot ng t-shirt na kulay puti at may marka na tattoo na tribal sa kanang kamay.
Ang bangkay ay nadisÂkubre ng isang Alfredo Berdal Jr., isang tricycle driver sa may kahabaan ng Apollo St., corner E. Pasto St., Brgy. Del Monte sa lungsod.
Sa pagsisiyasat ng SOCO, ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa dibdib, bukod pa ang bakas ng pananakal sa kanyang leeg.
Ayon kay Capili, tulad ng ibang bangkay na nataÂtagpuan sa lungsod, iisa lamang ang naging estilo ng pagpatay, pero maaaring sa ibang lugar ginawa ang krimen at doon lamang sa lungsod itinapon para iligaw ang mga awtoridad sa imbestigasyon.
Sa Maynila, nakabalot ng packing tape ang ulo at may tama ng bala sa sentido nang matagpuan ang isang hindi pa nakilalang lalaki na isinilid sa isang karton at hinihinalang biktima rin ng salvage kahapon ng madaling-araw.
Sa report ni SPO3 Glenzor Vallejo, dakong alas- 4:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na isinalarawan na nasa edad 35-40, may taas na 5’6’’, mataba, malapit sa Federal Land Showroom Pavilion, Numancia St., BiÂnondo, Maynila.
Sa imbestigasyon, nagpaÂpatrulya ang mga tanod ng Brgy. 282 Zone 26 ganap na alas-3 ng madaling-araw nang may dumaang Isuzu Elf at huminto sa madilim na bahagi sa nasabing lugar.
Makalipas ang isang oras ay muling umikot ang mga tanod at dito na nila naÂpansin ang mga patak ng dugo sa sementadong daÂanan paÂtungo sa kinaroroonan ng isang karton kung saan unang pumarada ang nasabing sasakyan na nang buksan ay bumulaga ang bangkay ng biktima.
Dahil dito, agad na iniÂreport ang pangyayari sa San Nicolas Police Community Precinct at sa Meisic Police Station 11 upang ito ay maimbestigahan.
Ayon kay Vallejo, biktima ng summary execution ang biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon na lamang sa Binondo.
- Latest