138 illegal alien workers nadakip ng BI
MANILA, Philippines - Makaraang lumitaw na walang mga working permit at visa, dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang may 138 Chinese nationals sa isang construction site sa Calaca, Batangas.
Batay sa natanggap na report ni BI Officer-in-Charge Siegfred Mison, nakorner ang mga ito sa project site sa NEPC Power Corp. sa Barangay Puting Bato, Calaca bunsod na rin ng impormasyon mula sa ilang mga concerned citizens at agencies.
“They were later brought to the Immigration Field Office in Batangas City for interview, verification and inquest proceedings,†ani Mison.
Paliwanag ni Mison, kahit isa sa mga foreign workers ay hindi nakapagpakita ng passports o anumang travel documents nang kuwestiyunin ng mga awtoridad.
Ang mga ito ay sasailalim sa preliminary investigation kasabay ng pagsasampa ng kaukulang kaso.
“We will deport them immediately once the Board of Commissioners established that they have been working here without a visa,†dagdag pa ni Mison.
Iginiit ni Mison na nagpalabas na sila ng advisory sa mga kompanya hinggil sa pagkuha ng mga mangÂgagawang dayuhan na walang kaukulang paples.
Sinabi naman ni Atty. Jose Carlitos Licas, BI Acting Intelligence Chief, na nagsagawa ng surveillance ang mga ahente ng BI bago isinagawa ang pagsalakay.
- Latest