70 toneladang campaign materials, nakolekta ng MMDA
MANILA, Philippines - Aabot sa 70 toneladang basura buhat sa mga iniwang campaign materials nitong nakaraang halalan ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni Francisco Martinez, pinuno ng Clearing Operations Unit, karamihan dito ay mga tarpaulin posters na ikinabit sa mga puno, linya ng telepono at mga kawad ng kuryente na mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections.
Dadalhin ang mga materyales na maaari pang i-recycle sa isa nilang pasilidad habang pinag-aaralan kung ano ang gagawing produkto buhat sa mga ito. Hindi umano maaaring gawing mga tents o tolda ang mga tarpaulins nitong eleksyon dahil sa masyadong maliliit habang mahihirapan naman kung tatahiin ang mga ito.
Una nang naisip ni MMDA Chairman Francis Tolentino na gawing mga bags, coinpurse, o floormats ang mga materyales at ido-donate sa iba’t ibang organisasyon para mapakinabangan.
Samantala, inilunsad rin ng MMDA ang “MMDA Traffic Mirror†kung saan makikita ng mga internet users sa pamamagitan ng personal computer, laptop, tablets at maging mga Smartphone users ang “live feed†sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa pamamagitan ng: http://MMDA.NowPlanet.TV.
Konektado ang aplikasyon sa siyam na closed circuit television (CCTV) cameras sa EDSA, C5 Road, at Commonwealth Avenue.
- Latest