^

Metro

Hinihinalang hired killer: 3 minasaker sa inuman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong lalaki habang isa pa ang nasa kritikal na kon­disyon matapos na paulanan ng bala ng baril ng hindi pa naki­kilalang mga suspect habang nag-iinuman ang mga biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Ranillo Malinao, 30; Melvin Luciano, 37, at Elmar Tulipas, 41.

Sugatan naman at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang isa pang biktima na si Ronald Pinos, 28.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:50 ng gabi sa kahabaan ng Gil Pascual St., Brgy. Hulong Duhat ng nabanggit na siyudad­ habang  nag-iinuman ang mga biktima sa naturang lungsod  nang biglang sumulpot ang mga suspect na armado ng mga baril at biglang paulanan  ng bala ang mga biktima.

Agad na nasawi ang tatlo habang sugatan naman si Pinos. Mabilis na nagsi­takas ang mga suspect matapos ang isina­gawang pamamaril.

Lumalabas sa rekord ng pulisya na may kasong illegal pos­session of firearm si Malinao; frus­trated murder naman si Tulipas habang theft naman ang kaso ni Luciano.

Sa ulat ng pulisya, hinihinalang mga hired killer din ang mga nasawi base sa nakuhang mga impormasyon.

Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

 

ELMAR TULIPAS

GIL PASCUAL ST.

HULONG DUHAT

MALABON CITY

MELVIN LUCIANO

RANILLO MALINAO

RONALD PINOS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with