^

Maingay binurdahan ng saksak

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang pag-i­ingay kung kaya binurdahan ng saksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng mag-utol na nairita sa una kamakalawa sa lungsod Quezon.

Si  Leoncio Mangosong, 29, porter sa Riverview Market, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak ay nagawa pang maitakbo sa ospital subalit hindi na rin umabot ng buhay dulot ng mga saksak sa katawan.

Nakilala naman ang magkapatid na suspect sa mga alyas na Bato at Baleleng, kapwa porter din sa nasabing palengke.

Nangyari ang insidente sa loob ng Riverview market, Brgy. Balintawak sa lungsod, ganap na alas-2 ng hapon.

Napag-alaman na naglalakad umano ang biktima ka­sama ang kanyang kapatid na si Leo sa nasabing lugar nang mapadaan sila sa tapat ng magkapatid na suspect.

Pero dahil malakas ang boses ng biktima habang naki­kipag-usap sa kanyang utol ay nairita ang mga suspect at kinompronta ang una na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil naging mainit na ang mga suspect ay inawat na sila ni Leo, sa halip ay bumunot ng patalim ang mga una at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima sa katawan.

Sa puntong ito, nagtatakbo papalayo si Leo para maka­iwas sa posibleng kapahamakan, hanggang sa matanaw na lang niya ang duguang ka­patid na tumatakbo rin papalayo pero pagsapit sa kalye ng EDSA ay bumuwal din ito at nasawi. Mabilis namang tumakas ang mga suspect.

 

APOLONIO SAMSON BALELENG BALINTAWAK BATO BRGY DAHIL LEONCIO MANGOSONG MABILIS RIVERVIEW MARKET
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with