^

Kutob

Nobyembre 15, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Marunong ka ngayon makisama at makibagay. Iyon ang gusto ng mga kaibigan, kasamahan at kasambahay mo. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magiging kaibigan. Panahon ng pagbago ng ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Walang mangyayari kung sasarilihin ito. Kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Pinagpaguran mo ang lahat ng ano mang mayroon ka, ang proteksiyon at pag-alaga ay dapat pagtuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) –  Anuman ang gagawin,  tiyak na maganda ang magiging resulta dahil positibo ang isip. Iwasan ang magtaray. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 34 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikita na magiging masaya ang bawat saglit na ilalaan dito. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) –  Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa mundo ng pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Maging tapat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) –  Anumang hamon ang darating ay kayang harapin kung positibo ang isip. Paglabanan ang takot. Darating aang tulong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Kung sisilipin ng mabuti, sa madilim na lungga ng kahirapan ay may makikitang liwanag sa bandang dulo. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –  Iwasan o huwag magpanik. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) –   Utak at pag-iisip ang paganahin, hindi ang emosyon. Alamin kung paano ang puso at isip ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) –  Malamang makakasaksi ng pangyayari na hindi inaasahan. Isang Capricorn ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at indigo.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Isiping mabuti ang gustong gawin. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon dahil malakas ang magneto ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with