April 17, 2018
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) –  Maraming gawain subalit kailangan bigyan ng panahon ang pahinga. Hindi mabuti kung magpapatuloy sa mga gawain kung nakakaramdam ng pagkapagod. Isang kasambahay ang maglambing, mag-handa dahil may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Lalong mapapalapitang husto sa isa’t isa kung malalaman ang nilalaman ng damdamin ng bawat isa. Magiging makulay at masaya ang takbo ng relasyon ng hindi kinakailangang magsayang ng pera. Sa simpleng pagpapakita ng pag-aalala at kalinga, mapapalago ang pagmamahalan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 42 at violet.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Malamang mahirapan ka subalit kung pagsisikapan, magtatagumpay. Sa Gawain, kung maging masaya sa ginagawa, walang dahilan para hindi magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. Mukhang may kaunting hindi pagkakaunawaan na mamumuo sa tahanan, subalit hindi ka naman direktang kasali. Subukan ang mamagitan para ito ay  ayusin, tiyakin lamang na hindi ka makasali sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34. 41 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Walang problema sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala, magiging maayos ang takbo ng lahat sa mga susunod pangmga araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 40 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Tuluyan ng mawawala ang minamahal dahil sa pride. Hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Anumang desisyong gagawin, panindigan ng buong tatag kahit masakit sa kalooban. Kung kayo ang magkakatuluyan, tiyak hindi magiging maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Dalawa ang mukha ng pag-ibig— kaligayahan at kalungkutan. Kung kaligayahan ang daranasin, magpasalamat; kung kalungkutan, huwag magtaka dahil sadyang ganoon ang gulong ng buhay pag-ibig. Walang katiyakan ang mangyayari kaya maging handa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Mag-ingat sa ginagawa dahil magiging pabaya ka at malapit sa disgrasya. Anuman ang gagawin, tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba o ng sarili. Tiyakin na ang ginagawa ay nasa isip at hindi sa dikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Anuman ang gawin, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin, dahil walang katiyakan ang takbo ng panahon. Ang mabisang gawin ay taimtim na manalangin para mabigyan ng liwanag ang landas na tinatahak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung nag-aaral, malaking problema ang relasyon sa pag-ibig. Magulo ang isip at magiging matamlay. Kung magpapatalo sa emosyon, makakaisip na sirain ang sarili, na dapat paglabanan. Iwasan ang magpatangay sa bugso ng damdamin, dahil dadalhin ka nito sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Walang puwang ang magkamali. Kaya kung kailangang magdesisyon, gawin ng walang pag-aalinlangan. Masarap kang kasama ngayon dahil masayahin. Mapagbigay at maalalahanin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Hindi maiiwasan ang argument, subalit mailalayo ang sarili sa away, lawakan lang ang pang-unawa. Huwag patulan ang argument dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan. Ang dapat gawin hangga’t maaari ay abalahin ang sarili sa gawaing may pakinabang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

HOROSCOPE APRIL 17 2018
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with