^

Kutob

April 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Disiplina ang kailangan dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Magiging mapusok at kung hindi mapaglalabanan, malalagay ka sa panganib. Pag-aralang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad. Harapin ito ng buong tatag. Anumang desisyon na ginawa, tama o mali panindigan at panagutan. Mag-isip at maging mahinahon sa anumnag ginagawa o gagawin para maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.  

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil magiging mabagsik at masungit ka ngayon. Iwasan ang mapagbiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.   

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag palampasin kung may magyayaya. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Aries o Sagittarius ang makikilala, hahantong sa isang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.  

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) May ganmpalang nakalaan sa pagbibigay ng tulong sa tamang tao na mapagbibigyan. Ang serbisyo sibiko ay magiging pangunahin at kung gugustuhin, mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos kaagad at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.   

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang hindi nagawa o napansin noon ay may panahon matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran, subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan parag hindi magsisi. Ang panahon ng pagpapahinga ay bagay para makapag-isip ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.  

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti ang sitwasyon bago magsalita o humatol. Iwasan ang magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang mapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.  

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masuwerte sa anuman uri ng negosyo, kapag sinimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Kung gaano ka kasuwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kakapusan ng pera ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Dapat unahin ang kailangan ng tahanan bago ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.    

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang pagkakaisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat samantalahin. Ang hindi nagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Panahon ngayon para humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag idaan sa init ng ulo o maging emosyonal sa pagganap ng tungkulin para hindi mapahamak. Maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakipagtsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang pagbigyan. Ang maglinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 15 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with