^

Kutob

Marso 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Marami akong matatapos na gawain, transaksiyon at magiging buo ang araw ko dahil sa mga taong nagmamahal sa akin.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging maganda ang reaksyon ng katawan sa iniinom na gamot. Magigipit ka sa pinasok na deal. Maging matalino sa pagpili ng kaibigan, lalo na sa pagde­desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 29, 33 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging madamdamin ang araw mo ngayon. Mababagabag ang iyong konsensiya sa mga naririnig na usap-usapan. Malalampasan at mapaglalabanan mo ang mga ito paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 34, 35 at purple.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ngayon mo malalaman ang katotohanan tungkol sa iyong pag-ibig. Pagkaingatan ang mga maseselang bagay na ikukuwento tungkol sa trabaho o pag-ibig dahil mababansagan kang tsismosa ‘pag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 35 at indigo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging maalalahanin ang iyong kasuyo ngayon. Isang regalo o pasalubong ang marahil na maiaabot sa iyo. Isang surpresa ang naghihintay sa pagdating ng matagal nang kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 17, 40 at lilac.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malalagay sa alanganin ang inyong samahan kung hindi ka mag-iingat. Magkakaroon ng alitan sa pamilya ngunit ito ay mabibigyan ng solusyon sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 25, 31 at avocado green.

VIRGO: (Agosto 23- Setyembre 23) – Ngayon mo sasariwain ang mga bagay na ginawa niyang pabor sa iyo. Maaalalang nakalimot kang magpasalamat, gagawin mo ito ngayon. Magiging abala ka sa pagkakaroon ng maraming gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 38, 40 at pearl white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magdiriwang ka sa pagdating ng magandang kapalaran. Masayahin ang isang katangian na nagustuhan ng iyong mahal sa iyo, kaya huwag magsimangot sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 26, 37 at magenta.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tiyakin mong magiging maganda ang inyong paggayak sa pagsalubong sa iyong minamahal. Hindi masasayang ang pagsisikap mo dahil lalo kang hahangaan sa iyong ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 29, 36 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mag-isip ka ng mga paraan at oportunidad na babagay sa magandang kikitain. Maaangkin mo ang tiwala na matagal mo nang minimithi mula sa trabaho o minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 30, 38 at midnight blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maibabagay ng isang tao ang pagsibol ng pag-ibig sa unang pagkikita n’yo pa lamang. Mawiwili ka sa bagong tuklas ng teknolohiya ngunit ang masaklap ay gipit ka sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 16, 28 at turquoise.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sabay kayong mangangarap ng iyong minamahal tungkol sa maganda ninyong kinabukasan. Dahil sa kaligayahan sa kanyang piling, mapapansinin mo ang mga na bagay na dating nagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 36, 41 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Pareho ang inyong damdamin sa isa’t isa. Maging tapat bago pa siya mawala sa iyo. Mawawalan ka ng kontrol sa iyong katrabaho, kaya pasensiya at unawa ang kailangan para mapanatili ang magandang samahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 36 at blue.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with