Pebrero 1, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

Affirmation: Gisingin ang iyong pagnanasa na maging tagumpay. Gamitin mo ito para magpursige sa iyong personal at career goals sa buhay. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Tuparin ang mga pangako lalo na sa mga taong nagbigay sa iyo ng serbisyo para sa ikagagaan ng iyong trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 21, 39 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Manati­ling humble sa iyong tagumpay. Tulungan ang kapwa para mas lalong umangat ang iyong buhay. Magdasal para magtagumpay rin ang iyong kalaban at wala silang kainggitan. Lucky numbers at color for the day ay 25, 31, 49, 59 at magenta.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa bawat kita, biyaya ng ikapu ang ibalik sa Diyos. Ang nag­titiwala sa Kanya ay pinagpapala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 11, 19 at apricot.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Selos ang da­hilan sa inyong paghihiwalay. Suriin na kapag wala kang tiwala sa sarili, wala ka rin tiwala sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 5, 9 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pana­nampalataya ay walang logic kung ang de­sisyon na gagawin ay salungat sa utos ng Diyos. Alalahanin na nasa pagsunod ang pagpapala. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 7, 13 at silver.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Taong na­iinggit ang salot ng iyong buhay. Mag-ingat dahil maninira ito. Sa ugaling taglay niya, tratuhin siyang tulad ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 33, 41, 17, 51 at mocha brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang bagong social connection ang aakit ng helpful people. Mas mabuti na handa kang tumulong kaysa tumanggap ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 7, 9, 39, 41 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Online na negosyo ang iyong sisimulan ngayon. Haharapin ang pagbaha ng orders. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 11, 29 at old rose.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ga­wing mahusay ang trabaho. Magkaroon ng regular performance evaluation para mapag-usapan kung paano pagalingin ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 27, 8, 11, 45 at bamboo green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Sa iyo magmumula ang pagbabago. Magkakaroon ng dagdag na sahod ang mga workers at magiging masaya ang madla. Lucky numbers at color for the day ay 43, 47, 29, 51 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang class reunion ang magbibigay sa iyo ng mas malaking opportunity sa isang big deal na negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 37, 9 at lavender.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Pahalagahan ang gabay ng psychic. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang desisyon. Ga­win ang tamang aksiyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 8, 31 at emerald green.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAY IYONG LUCKY NUMBERS SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with