^

Dr. Love

Naputol ang pagkalalaki

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Romer, hindi ko totoong pangalan. Medyo sensitive ang problema ko.

14-anyos ako nang maaksidente sa skateboard.

Sumemplang ako at nadapa sa isang matalas na bagay na dahilan upang maputol ang aking pagkalalaki.

Tinangka ng mga doktor na idugtong muli ito pero kahit naibalik, hindi na ito tumitindig.

Nagkaroon ako ng mga girlfriends pero lahat sila ay nagtataka dahil hindi ako tulad ng ibang lalaki na agresibo.

Hindi nila alam ang aking lihim na pilit kong itinatago.

Gusto ko ring mag-asawa pero papaano? Sino pang babae ang magtitiyaga sa akin?

Tulungan mo sana ako.

Romer

 

Dear Romer,

Kung makakatagpo ka ng babaeng magmamahal sa iyo sa kabila ng kapansanan mo ay hindi sana problema iyan.

Eh, kung ‘yung mga tomboy ay nakakakuha ng mga nagmamahal sa kanila, ikaw pa na tunay na lalaki na ang tanging problema ay ang kawalan mo ng kakayahang maki-pagtalik?

Kailangan lang ay ipagtapat mo sa magiging kasintahan mo ang tunay mong kalagayan.

Maaaring tanggihan ka nila lalo pa’t pangarap din nila na magkapamilya.

Pero mayroon din namang ibang tatanggapin ka dahil tunay ang kanilang pagmamahal.

Kaya huwag ka mawalan ng pag-asa.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with