^

Dr. Love

Nauwi rin sa kasalan

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa rami ng mga pangyayari, nauwi rin sa altar ang lahat. Matagal na kaming engage ng boyfriend ko. Pero masalimuot ang pinagdaanan naming dalawa.

Twenty four years old ako nang mag-aya siyang magpakasal. Ang problema, hindi pa  kami stable noon.  Ayaw pumayag ng papa ko na wala kaming ipon bago kami magsama. Kaya nag-ipon muna kami. Nag-abroad siya ng 3 years sa Qatar.

Nagpaplano na kami ng kasal sa simbahan pero ang gusto ng bf ko ay sa civil na lang muna kami magpakasal. Hindi rin ‘yun sinang-ayunan ng aking ama, kahit alam nilang nasa wastong edad na ako. Ang masaklap, nagkasakit ang bf ko sa liver. Napunta sa pambayad ng ospital at mga gamot niya ang ibang perang naipon namin.

Halos isang taon din siya bago nakarekober.  Ok na sana, kaya lang inabot naman ng siyam-siyam bago namin nakumpleto ang lahat para sa aming pagpapakasal. Simpleng seremonya lang, malalapit na kamag-anak, kaibigan at mga katrabaho namin ang imbitado. Taliwas ‘yun sa plano naming bonggang kasal.  Hindi pa natapos doon ang plano namin, dahil ang honeymoon ay sa Taal sana. Pero hindi rin natuloy dahil hindi na kaya ng budget. Sa dinamirami man ng pagsubok, salamat at natuloy din ang aming kasal. Six months pregnant na po ako ngayon sa aming panganay na anak. Maraming salamat po.

Beve

Dear Beve,

Gaya ng palasak na kasabihan, sa haba man ng prosisyon sa simbahan pa rin ang tuloy. Congratulations sa inyong dalawa!

Kahit hindi bongga ang inyong kasal, ang mahalaga ay makabuluhan ito sa inyong dalawa at maging sa inyong pamilya. Dahil natamo ninyo ang blessing para sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.

Nawa’y patnubayan kayo ng Diyos sa lahat ng inyong mga plano. Dalangin ko na manatili kayong tapat sa isa’t isa para sa mas maayos at puno ng kaligayahan na pagsasama.

Maging madali at maayos din sana ang nalalapit mong panganganak.

DR. LOVE

vuukle comment

BEVE

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with