^

Dr. Love

Nakipag-sex sa customer

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ralph. Isa akong full time sales agent, hindi ko na sasabihin kung anong product pero related sa mga insurance. Lagi akong naa-assign sa iba’t ibang lugar. Minsan sa bandang norte, minsan naman sa south. Na-assign ako sa Cebu. 

Syempre binata, kaya kahit saan ako ayain ng mga kasamahan ko eh sama lang ako ng sama. 

Ito ang matindi, may naging customer ako na may asawa na. Medyo bata siyang tingnan kung malalaman mo ang edad niya. Nasa mid thirty years old na siya. Maputi at mahinahon magsalita.  

Inalok ko siya ng product namin. Noong unang araw nang magkita kami ay tinanggihan niya ang alok ko. 

Pero malapit lang pala ang bahay niya sa mall kung saan ako nagdu-duty. Kaya halos araw-araw nagkikita kami. 

Hayun, minsan binibigyan niya ako ng binili niyang chichirya. Tapos inaaya niya akong kumain sa food court. 

Marami kaming napapag-usapan hanggang sa lumalalim na ang pakikitungo niya sa akin. Ako naman noong una ay gusto ko lang maka-avail siya ng product namin at matulungan niya ako sa mga referrals. 

Pero ito na ang matindi, inaya niya ako sa bahay nila. Wala ang mister niya, nasa ibang probinsiya, roon naka-assign. 

Kaya kung gusto ko raw matulog doon sa kanila o kaya doon na mag-stay hanggang sa bumalik na kami sa Manila, ok lang. 

Pumayag ako at nakipag-inuman sa kanya. Wala namang problema sa aking mga kasama dahil may sariling diskarte naman sila. 

Aaminin ko na nakipagsiping ako sa kanya. Isang beses lang naman at hindi ko sinasadya, pareho kaming nalasing. 

Simula noon nang umalis ako sa bahay niya hindi ko na siya nakita. 

Ralph

Dear Ralph,

Aba, iho huwag mo nang uulitin ang mga ginawa mo. Maling mali dahil may asawa na ‘yung babae. 

Sa palagay mo kung ikaw ang asawa ng babaeng iyon, hindi ba’t magagalit ka? Baka kung ano pa ang magawa mo. 

Magbunga man o hindi ang ginawa ninyo ay maling mali pa rin. Maging aral na sa iyo na hindi ka dapat pumapatol sa may asawa. 

Una, may pananangutan ka sa batas ng tao at higit sa lahat sa mata ng Maykapal. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with