^

Dr. Love

Private secretary

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marahil, kokondenahin ako ng ilang makababasa ng aking kasaysayan pero sana ay maunawaan ako ng mga tao bago ako hatulan.

Ako po si Irish, 25 anyos at may asawa na kamamatay lang very recently dahil sa colon cancer.

Nagtatrabaho ako bilang private secretary ng isang mayamang negosyante.

Nang magkasakit nang malubha ang aking mister, natigil siya sa trabaho at ang kinikita ko ay kulang pa para sa pagpapagamot niya. Buti na lang at wala kaming anak.

Dahil dito’y kumapit ako sa patalim. Naki-pagrelasyon ako sa boss ko na alam kong matagal nang may kursunada sa akin.

Sa kasamaang palad namatay din ang mister ko kamakailan.

Nagpatuloy ang relasyon namin ng aking boss na natutuhan ko nang mahalin hanggang mabatid ito ng kanyang misis na kinompronta ako at sinabing layuan ko ang kanyang asawa.

Tinanggal nga ako ng aking boss bilang secretary niya pero itinira ako sa isang condo at hindi natapos ang aming relasyon.

Parang nasa kumunoy ako na hindi na makawala, kahit sa budhi ko ay gusto ko nang kumalas.

Ano ang gagawin ko?

Irish

Dear Irish,

Kahit napamahal na sa iyo ang iyong boss, iligal ang inyong pagsasama.

Puwedeng magdemanda ang kanyang asawa.

Adultery laban sa iyo at concubinage laban sa kanyang mister. Kaya habang maaga ay humiwalay ka na sa kanya at harapin ang bagong kabanata ng iyong buhay.

Maghanap ka ng trabaho at doon mo ibaling ang iyong isip at iwaksi mo na sa alaala mo ang iyong amo.

Dr. Love

IRISH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with