^

Dr. Love

Lunukin ang pride

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Raul, may asawa at two years nang pasado sa CPA exam. Hindi ako agad nakahanap ng trabaho kaya nagtiyaga muna ako sa pagiging real estate agent.

Ayos naman ang kinikita sa komisyon sa bentahan ng lupa pero may panahong inaabot ng isang taon at walang pumuputok na big deal.

Naisipan kong mag-apply sa isang kompanya para magamit ko ang aking pinag-aralan. CPA kasi ako at kahit hindi topnotcher ay alam kong malaki ang kikitahin ko.

Okay naman sa misis ko ang pasya ko. Nag-apply ako sa isang kompanya ngunit nagulat ako nang mabatid na ang magiging boss ko ay isang matanda na undergraduate ng accountancy.

Sabi ng CEO ng kompanya, mahusay kasi siya at kasamang nagtayo ng kompanya. Three years pa bago ito magretiro at ako raw ang ipapalit sa mataas na puwesto kapag nangyari ito.

Sabi ko sa CEO, pag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko ang posisyon na masakit para sa akin na isang full feldged accountant.

Sabi ng misis ko, tanggapin ko na at magreretiro naman after three years ang supervisor ko.

Ano ang maipapayo mo?

Raul

Dear Raul,

Huwag mataas ang pride. Kumpara sa matandang hindi nakatapos, mas lamang siya sa iyo sa karanasan kaya pinagkakatiwalaan siya sa kompanya. Ikaw, CPA ka nga pero hindi mo nagamit sa matagal na panahon ang iyong pinag-aralan.

Tanggapin mo ang posisyon at aralin ang pasikotsikot ng negosyo at takbo ng finances. Tutal tatlong taon lang ang iyong hihintayin.

Dr. Love

 

DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with