^

Dr. Love

Maling akala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Reina, 19 anyos. Best friend ko si Georgia simula pa nang kami ay nasa elementary.

Niyaya niya akong magpunta sa kanilang bahay. First time ko ‘yun na makarating sa kanila. Mayaman sila pero dalawa na lang sila ng kanyang kuya dahil patay na ang kanilang magulang.

Malayo ang agwat nilang magkapatid. Si Georgia ay 21 lang pero ang kapatid niyang si Mon ay 45 na. Menopause baby raw si Georgia nang isinilang siya, past 40 na ang edad ng kanyang nanay.

Biyudo na ang kuya ni Georgia at napakabait ng pakikitungo niya sa akin. Akala ko tuloy may gusto siya sa akin. Hanggang sa mabalitaan ko na mag-aasawa na siyang muli.

Masakit para sa akin ‘yun. Pinaasa niya kasi ako. Akala ko manliligaw siya sa akin, ‘yun pala ay ikakasal na siya sa ibang babae.

Paano ko mabubura ang sama ng aking loob? Pinrangka ko si Mon, sabi ko inakala kong manliligaw siya sa akin dahil malambing siya sa akin, ‘yun pala ay hindi. Sabi niya, ganyan din siya kay Georgia at ang turing niya sa akin ay tunay na kapatid. Nasaktan ako, hanggang ngayon ay dinaramdam ko ang nangyari. Ano ang gagawin ko?

Reina

Dear Reina,

Wala kang dapat ipagdamdam kay Mon dahil ikaw ang nagkamali sa pagbibigay ng ibang kahulugan sa pagtrato niya sa iyo. Sana ay hindi mo na lang siya sinabihan tungkol sa naramdaman mong sama ng loob.

Isa pa, napakalayo ng inyong agwat sa edad. Disinuebe anyos ka pa lang at para mo na lang siyang tatay kung tutuusin.

Kalimutan mo na siya at sa edad mo ngayon, malamang ay iyan ang tinatawag na infatuation at hindi naman tunay na pag-ibig. Maghintay ka lang at darating din sa iyong buhay ang true love.

Dr. Love

DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with