_ngayon
^

Dr. Love

Babae at lalaki ang type ng bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Yolly. Ilang beses na kaming nag-away ng bf ko. Kahit nagagalit ako sa kanya, hindi ko siya kayang i-give up.

Almost five years na kami.  Madali akong magtampo pero madali rin naman akong magpatawad.

Marami kasi siyang alibi sa akin. May mga date na hindi kami natutuloy dahil sa bigla raw siya pinago-over time ng boss niya.

Tinatanong ko naman siya kung mahal pa niya ako. Sabi niya, mahal niya ako. Wala naman akong napapansin na may ibang babae siya.

Pero may natuklasan ako, may lalaki siya. Nalaman ko na lang dahil sinabi sa akin ng kasama niya sa trabaho na lagi silang umaalis at kumakain sa labas.

Pumupunta ang lalaki sa kanyang opisina.  Kaya pala marami siyang dahilan.

Nitong huling pag-uusap namin, ayaw niyang umamin hanggang sa umiyak ako sa harapan niya. Pinapipili ko siya kung sino sa amin ang tunay niyang mahal.

Umamin siya na silahis siya at mahal niya kaming dalawa.  Ayoko siyang i-give up dahil mahal ko siya ng todo. Pero hindi ko po alam ang gagawin kung mananatiling dalawa kami sa buhay niya.

Yolly

Dear Yolly,

Kaya mo bang tanggapin na ganun siya, isang silahis? Kahit bali-baligtarin natin ang situwasyon, may pagkakataon na maghahanap siya ng atensyon ng lalaki.  Kaya mo ba ang ganong kalagayan?

Siguro mainam na mag –cool off muna kayo, para magkaroon ka ng time mag-isip-isip. Walang masama kung hahayaan mo muna siyang gawin ang gusto niya. Pagkatapos itanong mo sa kanya  kung gusto pa niyang ituloy ang inyong relasyon. Kung oo ang sagot niya, ikaw lang dapat at wala ng iba.

Pero kung pipiliin niya ang lalaki, i-let go mo na siya. Bigyan mo siya ng kalayaan.Sa ganung paraan ay matutulungan mo siya.

DR. LOVE

YOLLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with