^

Dr. Love

Type rin ang zumba instructor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Shane. Naghahanap ako noon ng mapaglilibangan, sakto inaya ako ng sister ko na sumama sa kanyang pagzuzumba sa patio ng aming barangay. Maayos naman ang lugar at maluwag.Hanggang limampu katao ang capacity at pwede pa ang social distancing.

Syempre may konting hiya pa ako. Pero sayang naman ang costume ko na pang-zumba kaya tinuloy ko na rin ang pag-indak.

Every Sunday morning bago kami mag-asikaso ng almusal lagi kaming nagdyo-join sa zumba.

Isang dahilan pala ni sister ay ang dance instructor na nagli-lead sa amin, na lagi niyang hinihintay na lumapit para turuan at sabayan siya sa pagsayaw.

Hataw kasi kumembot ang guy kaya mapapaindak ka talaga. Bukod sa lambot ng kanyang katawan ay six pocket pa ang abs niya. Hindi lang ‘yun, napakagalang pa.

Laging sister ko ang nilalapitan niya. Minsan, talagang sinadya kong matapilok para lang mapansin niya ako. Mukhang effective ang style ko, dahil napansin din ako ng guy.

Sinabihan ako ni sister na nililigawan na nga siya ng guy. Naging sad naman ako agad kasi hoping ako na ako ang liligawan niya. Eh, wala naman akong makitang ibang nagtatangkang lumapit sa akin para maka-jamming lang sa pagsayaw ng buhay ko.

Shane

Dear Shane,

No worries, may makikilala ka ring guy na handang makisayaw sa’yo. Ipagpatuloy mo lang ang pagzuzumba para mas maging healthy at sexy body ka. Malay mo, may Mr. Right na gusto namang magpaturo sa iyo ng sayaw.

Hindi natin alam kung sino talaga ang itinakda. Minsan may inaasahan tayo na isang tao, pero hindi pala siya ang para sa atin.

Tuloy lang ang buhay at ituloy mo lang ang pag-indak sa mga tiktok dance na uso ngayon. 

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ZUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with