^

Dr. Love

Sumusuko si Manoy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lauro, 51 years old at matanda na ako nang makapag-asawa ng isang 20-anyos na dalaga. Last year lang kami nang magpakasal. Parang nagsisisi ako kung bakit masyado akong nagpakatandang binata. Kasi, sobrang maglambing ang aking misis.

Gusto niya ay lagi akong nasa tabi niya at halos hindi ko na maasikaso ang pinatatakbo kong negosyo na kabuhayan namin. Gabi-gabi, bukod sa pagniniig namin bago matulog, ginigising niya ako sa madaling araw para magtalik kami uli.

Bago ako umalis ng bahay para magbukas  ng aming hardware, hindi ako makalalabas ng tahanan hangga’t hindi kami nagsi-sex.

Noong una ay nasisiyahan ako. Pero kapag lagi mo na lang ginagawa ito, araw-araw sa loob ng isang taon, parang ibig mo nang sumuko. Araw-araw, pakiramdam ko ay hapung-hapo ako. Kung ano-ano nang bitamina na pampadagdag ng stamina ang ginagamit ko para mapagbigyan ko siya.

May mga pagkakataong tumatanggi ako dahil talagang hindi ko na kaya pero nagtatampo naman siya. Pinagbibintangan akong may ibang babae. Ano ang gagawin ko?

Lauro

Dear Lauro,

Dahil sa layo ng inyong edad, hindi kayo sexually compatible. Kumbaga, nasa kainitan pa ang iyong batambatang misis samantalang ikaw ay nasa katanghalian na ng iyong buhay.

Pero ginusto mong makapag-asawa ng bata kaya iyan ang problema mo ngayon. Obligasyon ng mga asawa na ibigay ang emotional needs ng isa’t isa, kaya panindigan mo ang iyong tungkulin bilang asawa.

Kausapin mo siya at ipaliwanag ang iyong situwasyon na dahil malaki ang layo ng iyong edad sa kanya, unawain ka niya kung may mga pagkakataong hindi mo siya mapagbigyan. Naniniwala ako na mauunawaan ka naman niya.

Mag-iingat ka rin sa paggamit ng mga gamot sa pagkalalaki dahil kung minsan, maaari itong ikamatay ng tao. Kumunsulta ka muna sa doktor bago ito gamitin.

Dr. Love

vuukle comment

LAURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with