Crush ang co-teacher
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Pangit po ba kung ang babae ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa lalaki? May crush po ako sa co-teacher ko. Ewan ko ba parang na love at first sight ako sa kanya.

Noong orientation namin sa auditorium, siya ang emcee sa program. I admire his English diction and pronunciation. Hindi lang siya nag-e-english just to impress. May mga laman ang sinasabi niya. Lalo lang siyang nagmukhang matalino.

Hindi naman kami nagkausap that time. Tapos hi…hello lang kami kapag nagkakasalubong.

Siya pala ang coordinator namin sa English subjects. Hay, lalo akong ninerbiyos. Tuwing nagmimiting kami, hindi ko alam kung nao-obvious na ako.  Nauutal at nawawala ako kapag tinatanong niya. Ang nakakainis lang, mas close siya sa ibang babaeng co-teachers ko.

Balak ko na nga  ayain ang isang co-teacher ko na friend niya at close sa akin para mag-dinner kaming tatlo ng hindi halata na ako ‘yung gumagawa ng paraan? Ano sa palagay mo, Doc? Waiting for your good advice.

Ms. Ganda Lang

Dear Ms. Ganda Lang,

Hindi naman siguro ganda lang ang mayroon ka. Sa tingin ko hindi naman masama ang plano mo kay Sir. Basta hinay-hinay lang at baka mabuko ka agad. Syempre kahit hindi mo sinasabi, nakikita ‘yan sa mga kilos at reactions mo. Natural lang naman na magka-crush ang isang tao.

Pero alalahanin mo, teacher ka kaya learn to control yourself. Kilalanin mo rin siyang mabuti at kaibiganin mo.

DR. LOVE

CRUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with