^

Dr. Love

Hangga’t makakalusot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko na po alam ang gagawin sa relasyon namin ng 5 years ko nang boyfriend. Super love ko siya pero hindi ko na ma-take ang paulit-ulit na panloloko niya sa akin. ‘Yung tipong hangga’t lulusot ay hindi siya titigil sa mga alibi niya.

Sa dami, hindi ko na po talaga mabilang. Mula sa simpleng usapan at hindi niya pagsipot hanggang sa pinaka-komplikadong panloloko niya sa akin dahil sa mga kinalolokohan niyang babae.

Pero dahil mahal na mahal ko siya, pagkalipas ng galit ko at pagpapa-cute niya, ok na ako uli.

Kaya lang nitong huli, hindi ko na kinaya. Nakita ko mismo kung paano niya lingkisin ang ibang babae. Na-realize ko, matagal na akong nagpapakatanga kay Serge.

Noon pa ay marami nang kaibigan namin ang nagsasabi sa akin tungkol sa mga disturbing behavior ng boyfriend ko sa loob ng bar. Pero hindi ako naniwala sa kanila, dahil para sa akin si Serge ang dapat kong pakinggan.

Ang totoo po, sa kabila nang lahat ay hindi pa rin ako sigurado kung kaya kong burahin siya sa buhay ko. Hindi na po ako sigurado kung totoo pa ang mga sinasabi sa akin ng boyfriend ko at kung mahal ba niya ako. Pagpayuhan po ninyo ako.

Miles

Dear Miles,

Hindi mo nabanggit kung ilan taon ka na. Pero kapag ganyan na paulit-ulit na ang pagiging unfaithful ng karelasyon mo, nagsasayang ka na ng panahon sa kanya. Dahil obviously, hindi na mahalaga para sa kanya ang mararamdaman mo.

Kaya if I we’re you, get out of that relationship para magkaroon ka pa nang pagkakataon na makilala ang lalaking magagawang tumbasan ng katapatan ang ilalaan mong pagmamahal.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with