^

Dr. Love

Madilim na lihim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mabiyayang pagbati sa iyo. Tawagin n’yo na lamang akong Fidel. Please let me hide my true identity by not revealing my name. Umaasa lang ako na maski papaano ay luluwag ang dibdib ko sa gagawin kong pagtatapat.

Nakagawa ako ng kasalanan na pinagsisisihan ko ngayon.  Pero ito’y laging sumusumbat sa aking konsensya kahit nangyari ito limang taon na ang nakararaan.

May maganda kaming kapitbahay na asawa ng kaibigan ng kapatid kong lalaki.  Aaminin kong may kapilyuhan ako at pinagnasaan kong lihim ang babaeng ito. 

Nabuo sa akin ang isang maitim na balak.  Sikyu kasi ang asawa niya at nag-iisa ang misis na maganda kung gabi.

Alas dos ng madaling araw nang isagawa ko ang balak ko. May talukbong sa mukha na pinasok ko ang kanilang apartment sa likuran at nakita ko ang pinag-iinteresan ko na natutulog sa salas na nakakulambo.

Nang akmang gagapangin ko na siya ay may kumatok sa pinto. Asawa pala niya ‘yun. Dali-dali akong nagtatakbo palabas at nasipa ko ang isang timba kaya hinabol ako ng asawa niya. Mabuti at nakatalilis ako nang walang nakakapuna sa akin.

Nag-away silang mag-asawa dahil akala ng lalaki ay may kalaguyo ang babae. Nagkahiwalay sila pero nagkabalikan din.

Walang tigil ang konsensya ko sa pagsumbat sa akin. Ano ang gagawin ko?

Fidel

Dear Fidel,

Ang magandang nangyari ay walang nangyari. Hindi mo siya na-rape at hindi na rin nasaktan. Aral iyan na maliwanag sa iyo.

Pero hindi nangangahulugan na wala kang kasalanan. Sa mata ng Diyos, iniisip mo pa lang ang masamang bagay ay nagkasala ka na.

Gayunman, dumulog ka sa Panginoon at humingi ng tawad at kalakasan na hindi mo na uulitin ang ganung pagtatangka.

Dr. Love

AAMININ

ANG

ANO

ARAL

ASAWA

DEAR FIDEL

DIYOS

DR. LOVE

GAYUNMAN

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with