^

Dr. Love

Minamanyak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Wala po sana akong problema sa mag-asawang pinapasukan ko rito sa Middle East, kundi po sa kapatid ng amo kong babae na minamanyak ako.

Sa simula pa lang ng pagkikita namin ay nagpakita na ito ng interes sa akin. At madalas sa pabirong pagkakataon niya ipinahihiwatig ang kanyang pagkagusto sa akin.

Minsan po siyang bumisita, wala ang mag-asawang amo ko at pinagtangkaan niya akong yapusin. Tinakbuhan ko po siya at isinumbong sa amo kong babae. Naikwento ko po sa aking asawa ang sitwasyon ko rito kaya pinauuwi na niya ako.

Pero ang inaalala ko po ay hindi pa ako ba­yad sa ginamit kong pam-placement fee, paano ko rin po matutugunan ang pangangailangan ng mga nag-aaral kong anak.

Sinubukan kong magpaalam sa babae kong amo, na kailangan kong umuwi ng Pilipinas dahil sa isang emergency. Pero hindi siya nani­wala. Kung ang pagpapaalam ko raw ay kaugnay nang pagbibiro ng kanyang kapatid, hindi na raw ito mauulit.

Ano po sa palagay ninyo, susundin ko po ba ang aking asawa? Hindi pa naman nauulit ang panghihipo ng kapatid ng amo ko.

Gumagalang,

Nerisa

Dear Nerisa,

Hindi mo masisisi ang asawa mo kung gustuhin ka na niyang umuwi. Pero mukhang nagdadalawang-isip ka dahil sa pag-aalala mo sa hindi pa bayad na placement. Kung ganito ang kalooban mo, sikapin mo na kalmahin ang asawa mo at tiyakin na gagawin mo ang kaukulang pag-iingat laban sa kapatid ng asawa ng iyong amo.

Makakabuti rin na kausapin mo ang iyong amo at sabihin na gusto mo sanang manatili sa iyong trabaho pero sakaling maulit ang pagta­tangka sa iyo ng kanyang kapatid, hindi na kamo ikaw magpapa-alam at uuwi na lang sa iyong pamilya na nag-aala ng lubos sa kalagayan mo.

Sa ganitong sitwasyon ay hingin mo ang suporta ng ating embahada diyan, na makakatulong sa iyo para makauwi ka agad.

DR. LOVE 

vuukle comment

AMO

ANO

DEAR NERISA

DR. LOVE

KONG

MIDDLE EAST

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with