^

Bansa

Bansang aampon kay Duterte malapit lang sa The Hague

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bansang aampon kay Duterte malapit lang sa The Hague
Composite photo shows the flag of the International Criminal Court and former President Rodrigo Duterte after he was arrested on Tuesday, March 11, 2025. I
nternational Commission of Jurists / Released; Veronica Duterte via Instagram

MANILA, Philippines — Malapit lamang sa The Hague ang bansang pumayag na “umampon” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling pahihintulutan ng International Criminal Court (ICC) ang interim release nito, ayon sa isang abogado.

Sinabi ni ICC-accredited lawyer Joel Ruiz Butuyan na dapat ay miyembro rin ng ICC ang tatanggap kay Duterte.

“Ang aking suspicion, ‘yung mga country na karatig lang, adjacent or shares a border with The Netherlands ‘yung puwedeng mag-agree,” ani Butuyan.

Bagaman at hindi pa rin isinisiwalat kung anong bansa ang pumayag na tumanggap kay Duterte, dapat aniyang sumunod ito sa utos ng ICC.

“Kailangan member-country [ng ICC] ang mag-a-agree na magho-host sa kanya. Kailangan sumunod sa mga utos ng ICC,” ani Butuyan.

Sinabi rin ni Butuyan na lumalabas na papayag lamang ang prosecutors na pansamantalang makalabas ng detensiyon si Duterte kung matutupad ang kanilang kondisyon.

“Ang lumalabas, the prosecutors will agree only if the conditions they specified are met. Hindi pa sila nag-a-agree,” ani Butuyan.

Matatandaan na hiniling ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang pansamantalang paglaya ng dating lider mula sa ICC detention at manatili ito sa isang hindi binanggit na bansa habang dinidinig ang mga kinakaharap na kaso.

HAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with