^

Bansa

Pagpapahusay ng Konsulta Program ng PhilHealth, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng buong suporta si Sen. Christopher “Bong” Go sa pagpapahusay ng PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) program, na isinama ngayon ang increase ng capitation rate sa P1,700 kada pasyente taun-taon.

Binigyang-diin ni Go na ang pagpapahusay na ito ay napakahalaga sa pagtiyak ng abot-kayang panganga­lagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

“Ang layunin natin ay masiguro na ang bawat Pilipino ay may access sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan. Isang importanteng hakbang po ang pagtaas ng capitation rate para masiguro natin na may sapat na pondo ang mga health providers upang maibigay ang kinakailangang serbisyo,” paliwanag ni Go.

Ang Konsulta program, sa ilalim ng Universal Health Care Law, ay nagbibigay ng libreng taunang check-up, mga piling diagnostic test, at mga iniresetang gamot. Ang increase ng capitation ay magbibigay-daan sa mga karagdagang serbisyo tulad ng mammography at ultrasound screening na maha­laga sa maagang pagtuklas ng iba’t ibang kondisyon sa kalusugan.

“Sa panahon ngayon, mahalaga na palawa­kin natin ang saklaw ng ating mga programa sa kalusugan upang mas maraming kababayan ang makinabang,”ani Go.

Ang pag-apruba ng PhilHealth sa increase ng capitation rate ay inaasahang maipatutupad sa Hunyo 2024.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with