^

Bansa

Foreign students pwedeng isailalim sa intel probe - BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhan sa bansa, na may student visa, ay maaari pa ring isailalim sa government intelligence investigation kung mapapatunayang sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, alinsunod sa batas, ang mga foreign nationals na nakakuha ng student visas ay maaari pa ring i-check ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga aktibidad na lumilitaw na ‘inimical’ o salungat sa seguridad ng estado.

Klinaro ni Tansingco na ang BI ay maaari lamang mag-isyu ng student visas sa mga foreign nationals na ini­endorso ng mga lehitimong paaralan at ng CHED.

Dagdag pa ng BI chief, ang lahat ng mga paaralan na tumatanggap ng foreign nationals bilang estudyante, ay kinakailangang magsumite ng regular reports sa BI na siyang magmomonitor ng kanilang visa compliance, gayundin sa CHED na siya namang titiyak ng compliance ng mga ito sa education-related policies, at maging sa NICA, na siya namang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga kahina-hinalang aktibidad ng mga ito.

Ibinahagi rin ni Tansingco na para sa taong 2023, nasa kabuuang 1,516 Chinese nationals ang nabigyan ng student visas sa Cagayan, na lahat ay iniendorso ng isang major Philippine university.

Gayunman, batay sa ulat na natanggap ng BI, higit 400 Chinese nationals lamang ang on-site, dahil ang unibersidad ay nagpapatupad umano ng distance learning.

Aniya, ang mga aksiyon ng mga dayuhang estudyante ay karapat-dapat namang busisiin ng government intelligence agencies lalo na at ito ay nasa loob ng kanilang mandato at kinakailangan sa pagtiyak ng pambansang seguridad.

vuukle comment

BI

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with