^

Bansa

Pangulong Marcos: ‘Historic drug bust’, walang namatay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: �Historic drug bust�, walang namatay
President Ferdinand Marcos Jr. inspects the inventory of police personnel, who seized more than two tons of shabu worth more than P13.3 billion, along a national road in Barangay Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas on April 16, 2024.
KJ Rosales/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nakumpiskang 1.8 tonelada ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon sa Alitagtag, Batangas ang pinakamalaking shipment na naisagawa at nakumpiska ng mga otoridad na walang namatay o nasaktan.

“Ito ang pinakamala­king shipment ng shabu na nahuli natin, pero walang namatay. Walang namatay, walang nagputukan, walang nasaktan. Basta’t in-operate natin nang dahan-dahan, ‘yun naman dapat ang approach,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na ang paggalang sa karapatang pantao kahit sa mga operasyon ng giyera sa droga ang pinakamahalaga sa kanyang administrasyon habang tinitiyak na matatapos ang operasyon ng ilegal na droga at ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na narcotics sa Pilipinas.

Giit niya, ang taktika na ipinatutupad ng kanyang administrasyon ay pagkuha lamang ng intelligence report at tuluy-tuloy na operasyon hanggang sa makumpiska ang mga illegal na droga, papanagutin ang mga nasa likod nito at kasuhan.

Ayon pa sa Pangulo, nagawa ang mga ito sa pagpupursige ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board.

Nakapagsagawa na rin anya ng testing ang mga tauhan ng PNP at PDEA at lumalabas na very high grade shabu ang nakumpiska at patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon kung saan galing at ipinasok ang naturang shipment.

Tiniyak naman ng Pa­ngulo na hindi ito galing sa Pilipinas kundi ipinasok lamang at niluto rin sa labas ng bansa at ang patuloy na inaalam ng mga otoridad ay kung anong ruta ang ginamit ng mga sindikato na nagpuslit nito papasok sa Pilipinas.

Nagbabala rin siya na hindi sasantuhin ang sinumang mahuhuling kasangkot sa iligal na droga kahit politiko, police o sinuman ay kanilang iimbestigahan.

Sa tanong naman kung mayroong  babala ang Pa­ngulo sa drug syndicate na ayaw tumigil sa kanilang gawain, sagot niya “Bahala kayo sa ginagawa ninyo basta’t tuluy-uloy lang kami. Aabutan din namin kayo. Maliit lang ang Pilipinas”.

Sa talaan, ito na ang pinakamalaking paghakot ng droga, na lumampas sa dating record na 1,589 teabags ng shabu na nagkakahalaga ng P11 bilyon na nasabat sa Infanta, Quezon noong Marso 2022.

Ang anti-illegal drugs campaign ng gobyerno mula Hulyo 2022 hanggang Dis­yembre 2023 ay nagpakita na mayroon nang 36,803 na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 49,700 drug suspects, kung saan, 3,284 ang itinuturing na high value target.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with